Miyembro ng HK Stock Exchange na mga nakalistang kumpanya (1319)

語言選擇
Language Selection
Pagpili ng wika

 

 
 
 
 
Home > Tak Wah Pawnshop (Central)

Tak Wah Pawnshop (Central)

Ang TAK WAH PAWNSHOP ay 17 taon nang nagnenegosyo mula 2001. Ito ay nasa Shop B, G/F, 23 Connaught Road Central, Central. May 5 may karanasang empleyado ang tindahan na nagbibigay ng proesyonal na serbisyong valuation sa mga Filipino na banyagang naninilbihan at mga residente ng Isla ng Hong Kong. Maganda ang aming reputasyon sa Pilipinas at sa Hong Kong.

  • Tak Wah Pawnshop
    Shop B, G/F, 23 Connaught Road, Central, HK
    2868-0738


Kaayusan ng serbisyong pagsasanla tuwing Linggo

Upang bigyan ang mga kliyente ng kumbinyente at mabilis na komprehensibong serbisyo, ang mga kaayusang pamamaraan sa pagsasanla, pag-renew at pag-redeem ay ang sumusunod:
 
  1. 1) TAK WAH PAWNSHOP (No. 23 Connaught Road Central, Central): Ang tindahang ito ay pangunahing naglalaan ng mga serbisyong pagsasanla at pag-redeem para sa mga kliyente.
  1. 2) Sentro ng Serbisyo sa Kostumer ng TAK WAH PAWNSHOP (nasa ikalawang palapag ng Heung Lam Building): Ang sentro ng serbisyong ito ay nagbibigay sa mga kliyente ng mga serbisyong pag-renew.

Promo kapag Linggo

 
  1. Kung pumunta ang kliyente sa TAK WAH PAWNSHOP sa Linggo o pampublikong pista-opsiyal, makakatanggap siya ng regalo, tulad ng: softdrinks, meryenda o Sun Newspaper; unang pagsisilbihan ang unang dumating.
  2. Gayon din, bukas ang Sentro ng Serbisyo sa Kostumer ng TAK WAH PAWNSHOP para sa mga kliyente kapag Linggo, para pahintulutan ang mga kliyenteng magsalo-salo at hayaan silang magamit ang maunawain naming mga serbisyo sa kostumer, para masiyahan sila sa araw ng Linggo. Makakapanood din ang mga kliyente ng mga satellite TV na palabas ng ABS-CBN Channel na aming nilaan, at makakagamit ng unlimited na libreng internet at makakainom ng tsaa, atbp.


Ang Kumpanya ay hindi lamang propesyonal at matapat, naiintindihan din nito ang mga iba’t ibang pangangailangan ng mga kliyente. Kami ay nagbibigay ng mga eksklusibong mga appointment na mga serbisyo para sa mga tanyag na mga kliyente para mapangasiwaan ang mga transaksyon ng mga mahahalagang bagay, para lahat ng pagka-pribado ng mga kliyente ay maging napakakumpidensiyal. Ang independiyenteng silid ng pulong ay nasa gusali ng opisina ng Grupo sa Wan Chai. Para sa mga katanungan at appointment, paki-tawagan ang +852 6699-2228 o kontakin kami sa website na ito.