Miyembro ng HK Stock Exchange na mga nakalistang kumpanya (1319)

語言選擇
Language Selection
Pagpili ng wika

 

 
 
 
 
Home > Negosyo ng Pawnbroker

Negosyo ng Pawnbroker

—“Mabilis gumalaw, Makakuha ng salapi bago sa iba”—

Maingat at tumpak na sinusuri ng aming Grupo ang mga sinanlang gamit ng mga kliyente at hinahatid agad ang kabuuang perang makatwirang natasa sa aming mga kliyente, nang hindi inaantala ang mga kliyente sa nakakapagod at nakaka-ubos ng oras na pamamaraan ng pagsulat sa form, pagtatasa ng pamantayan at paghihintay sa pag-apruba. Basta’t bigyan mo kami ng pisikal na gamit, agad naming iaabot sa iyo ang natasang suma ng salapi sa loob lang ng isa o dalawang minuto, sa isang kurap.

Mga bagay na pwedeng isanla: mga popular na mga branded na relo, ginto, platinum, K na ginto, brilyanteng alahas, jade, mga electronic na produkto, at iba pa.

Pagsasanla ng Mga Ordinaryong Bagay

  1. Pumunta ang isang kliyente sa pinakamalapit na pawnshop at pinakita ang isasanla niyang gamit sa aming shopkeeper.
  2. Susuriin ng aming shopkeeper ang Bagay ayon sa pagsangguni sa halaga ng Bagay kung ito ay brand new at tatasahin ang lebel ng “wear and tear” ng Bagay at ang halaga nito sa segunda manong merkado at sa huli ay aabot sa halaga ng pagsangla matapos idiskuwento ang “wear and tear” ng Bagay.
  3. Tatanggapin ng Kliyente ang pagtatasa ng halaga ng sinasanlang bagay pagkatapos ay patototohanan ang dokumento ng pagkakakilanlan ng kliyente.
  4. Magbibigay ng resibo sa pagsangla sa kliyente, iaabot ang katumbas na salapi ng halaga ng sinangla ng Bagay sa kliyente.
  5. Bibilangin ng kliyente ang dami ng salapi sa counter para makumpirma-Tapos na ang transaksiyon!
  1. Babalik ang kliyente sa pawnshop, ipapakita ang resibo ng pagsangla sa shopkeeper.
  2. Babayaran ng kliyente ang prinsipal at interes para sa transaksiyon ng pagsangla.
  3. Patototohanan ng shopkeeper ang mga halaga at isasauli ang sinanlang bagay sa nagsangla.
  1. Ang petsa ng pagkapaso ay ang katapusan ng ika-apat na buwan mula sa petsa ng transaksiyon ng pagsangla, ayon sa pagsangguni sa Chinese Lunar na kalendaryo. Maaaring tubusin ng kliyente ang sinanla niyang bagay anumang oras bago ang petsa ng pagkapaso sa pamamagitan ng pagbayad sa prinsipal at interes ng transaksiyon ng pagsangla sa naaayong pawnshop.
  2. Bilang kahalili, maaari munang bayaran ng kliyente ang interes bago ang/sa petsa ng pagkapaso at i-renew ang kontrata ng pagsangla ng apat pang buwan, at iba pa.
  1. Mahalagang dokumento ang resibo ng pagsangla. Pinaaalalahanan ang kliyenteng ilagay ito sa mga ligtas na lugar. Ang anumang pagkawala ay dapat iulat agad at irehistro sa aming Kumpanya.
  2. Kung hindi natubos ang sinanlang bagay bago ang pag-ulat at pagpaparehistro sa pagkawala ng resibo sa pagsangla, maaaring dumaan ang nagsangla sa proseso ng pagtubos sa pagpapalabas ng dokumento ng pagkakakilanlan ng nagsangla nang siya mismo.
  1. Sa kasalukuyan, nagtatalaga ang Hong Kong Special Administrative Region ng buwanang interes na HK$3.5 para sa bawat prinsipal na halagang HK$100.

Pagpreserba ng Sinanlang Bagay

  1. Talagang inaalala ng Grupo namin ang pagmamahal ng aming kliyente sa mga personal nilang pag-aari. Mula sa petsa ng pagsanla ng lahat ng personal na pag-aari sa mga tindahan namin, ito ay maingat na pepreserbahin at poprotektahan sa loob ng mga espesyal na dinesenyong plastik na bag na may mga selyo.
  2. Higit sa lahat, ang kliyente ay papipirmahin sa plastik na bag, pagkatapos ay ilagay ng aming shopkeeper ang sinanlang bagay sa plastic bag at seselyuhan ito, ang dalawang prosesong iyon ay gagawin sa harap ng kliyente at sa lugar mismo.
  3. Kapag tinubos ng kliyente ang sinanlang bagay, patototohanan niya ang Bagay sa lugar mismo, sa kalaunan aalisan ng selyo ang plastik na bag at ang sinanlang bagay ay isasauli sa kliyente nang buo.

Independiyenteng Silid ng Pulong para sa Eksklusibong mga Appointment

 
Ang Kumpanya ay hindi lamang propesyonal at matapat, naiintindihan din nito ang mga iba’t ibang pangangailangan ng mga kliyente. Kami ay nagbibigay ng mga eksklusibong mga appointment na mga serbisyo para sa mga tanyag na mga kliyente para mapangasiwaan ang mga transaksyon ng mga mahahalagang bagay, para lahat ng pagka-pribado ng mga kliyente ay maging napakakumpidensiyal.

Ang independiyenteng silid ng pulong ay nasa gusali ng opisina ng Grupo sa Wan Chai. Para sa mga katanungan at appointment, paki-tawagan ang 6699-2228 or kontakin kami sa website na ito.


Ang Kumpanya ay hindi lamang propesyonal at matapat, naiintindihan din nito ang mga iba’t ibang pangangailangan ng mga kliyente. Kami ay nagbibigay ng mga eksklusibong mga appointment na mga serbisyo para sa mga tanyag na mga kliyente para mapangasiwaan ang mga transaksyon ng mga mahahalagang bagay, para lahat ng pagka-pribado ng mga kliyente ay maging napakakumpidensiyal. Ang independiyenteng silid ng pulong ay nasa gusali ng opisina ng Grupo sa Wan Chai. Para sa mga katanungan at appointment, paki-tawagan ang +852 6699-2228 o kontakin kami sa website na ito.